Advertisers

Advertisers

Ivana rumesbak sa batikos sa vlog

0 16

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Rumesbak si Ivana Alawi kaugnay ng hiling ng isang netizen na nagngangalang Vio Pineda Javier na burahin ng YouTuber ang content nito sa “buntis prank episode” ng sexy actress sa kanyang vlog.

Claim kasi ng nasabing netizen, naba-bash siya sa diumano’y reaksyon niya sa nagpanggap na dugyot na Ivana.

May hint din ang nasabing netizen na walang consent ang partisipasyon niya sa nabanggit na vlog.

Pinabulaanan naman ito ni Ivana sa kanyang lengthy post sa IG.

Aniya, bilang content creator daw ay aware siya as responsibilidad ng vlogging.

Kinunsulta rin daw niya si Vio sa pag-apir nito sa vlog bagamat hindi ang napili niyang pagkalooban ng pabuya.

Ito ang teksto ng post niya.

“Bilang content creator, matagal na po ako gumagawa ng street pranks.

Alam ko na kailangan magpaalam palagi sa mga ipapakita ko na hindi naka blur, kung papanoorin mo ang latest vlog na “Buntis”, marami ang naka blur sa una at gitna dahil hirap kami humingi ng consent sa mga taong yun, at alam ko na bawal silang ipost kapag ganon dahil baka mababash at majudge lang sila. Ganon din sa iba kong mga pranks, lagi namin binablur.

Ngayon, may lumabas na sinasabing dapat ko i-down dahil nakakakuha ng pambabatikos sa kanya. Pero hindi naman siya tumanggi sakin nung hiningan ko siya,sadyang naunahan lang siya ni kuya Hesus mag abot at doon na nagfocus ang atensyon ko.

Marami po kaming raw footage nung Buntis Prank kung saan makikitang pumayag si kuya lumabas sa vlog ko pinaalam muna namin sakanya ito bago kami umalis, at madami pa ang nangyari na hindi na namin sinama sa vlog.

Pinakita namin sa kanya yung raw footage at nakalimutan lang daw niya at humingi siya ngayon ng pasensiya. Inaasar kasi daw sya ng mga taong kakilala nya na nakapanuod ng vlog ko na sayang ang 100k na dapat sa kanya napunta pero naunahan lang daw siya, kaya sya ay nakapagpost ng ganun.

Ipinaliwanag namin sa kanya na para kay kuya Hesus talaga yun dahil sa nakita at naexperience ko na kabutihan ng puso ni kuya Hesus.

Paalala na din ito sa mga taong mahilig maniwala agad sa kung ano ang nakita sa social media.

Tandaan po na laging may dalawang side ang kwento.

Salamat. ”

***

Responsableng Panonood ng MTRCB, tawag-pansin ng iba’t ibang mga bansa sa Asya

BUMANDERA ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Pilipinas sa 2025 Asia Video Industry Association (AVIA) Conference noong ika-2 ng Disyembre sa Singapore.

Tinalakay sa okasyon ang mga bagong polisiya at pangyayari na humuhubog sa pandaigdigang video at digital content landscape.

Pinangunahan ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang delegasyon ng Pilipinas, kasama sina MTRCB Board Members Joey Alberto V at Atty. Jojo Salomon, at Legal Affairs Division Chief, Anna Farinah Mindalano.

Dumalo rin si Sotto sa AVIA Policy Roundtable, isang closed-door session na dinaluhan ng mga regulator, legal at policy expert, at mga mga lider mula sa iba’t ibang bansa sa Asya-Pasipiko.

Tinalakay sa roundtable ang mga hamon at mahahalagang regulasyon sa gitna ng mabilis na pagbabago sa video at digital content.

Ipinamalas ni Sotto ang mga programa at inisyatiba ng MTRCB at ng pamahalaan upang itaguyod ang responsableng panonood at media literacy sa mga pamilyang Pilipino—mga adbokasiyang pinuri ng iba’t ibang bansa.

Ilang Asian regulatory bodies ang nagpahayag ng interes sa content classification ng Pilipinas, kabilang ang Indonesia Broadcasting Commission (Komisi Penyiaran Indonesia o KPI) at Infocomm Media Development Authority (IMDA) ng Singapore, isang statutory board sa ilalim ng Ministry of Digital Development and Information.

“I am grateful to have advanced Responsableng Panonood, showcased our Movie and Television Rating and Classification System, and heard from regulators in other countries who expressed interest in applying our program,” sabi ni Sotto.

Plano ng KPI na kunsultahin ang MTRCB hinggil sa matagumpay na rating at classification system ng Pilipinas.

Iniulat din ni Sotto na may ilang bansa ang interesado sa Responsableng Panonood program ng MTRCB at ilan sa kanila ay handa na itong gamitin.

“Lubos po kaming natuwa sa pagkilalang ito ng ating Asian counterparts,” sabi ni Sotto. “Patunay po ito sa komitment ng Pilipinas na magbigay ng angkop na klasipikasyon sa lahat ng materyal habang sinusuportahan natin ang paglago ng industriyang ating minamahal at pinaglilingkuran.” ###