Advertisers
MAY naisyung arrest warrant na si Bato dela Rosa mula sa ICC. Susunod si Bong Go. Disyembre o Enero, madadakip ang dalawang mambabatas at dadalhin sa punong himpilan ng ICC sa The Hague. Bababa ang arrest warrant laban kay Tricky Tsis, Joel Villanueva, at Jinggoy Estrada mula sa Office of the Ombudsman. Mauubos ang oposisyon sa Senado.
Mula siyam, magiging apat na lang.Matitira si Alan Peter Cayetano, Robin Padilla, Imee “Babs” Marcos, at Rodente Marcoleta. Mga pipitsugin at patapon. Maingay pero walang laman. Hindi kalakasan ang grupong ito. Intact ang kabilang panig.
Walang dahilan upang hindi matuloy ang impeachment trial ni Misfit Sara. Kailangan malitis siya sa pinakamadaling panahon upang husgahan ang Articles of Impeachment na iniharap ng Camara de Representantes laban sa kanya sa Senado.
Hindi tahasang ibinasura ng Senado ang Articles of Impeachment. Hinarang into nina Tricky Tsis nang talakayin ito sa muling pagbubukas ng Kongreso noong Hulyo. Kinampihan ng pangkat ni Tricky Tsis si Misfit Sara. Ang pangkat ni Tricky Tsis pa ang mayorya noong mga panahon na iyon.
Ngunit iba na ang mayorya. Sina Tito Sotto na ang bumubuo ng mayorya sa Senado. Tinanggal si Tricky Tsis bilang pangulo ng Senado. Ngayon, nanganganib na mabilanggo si Tricky Tsis dahil sabit siya sa flood control scandal. Inakusahan siya na isa sa mga tumabo sa daang milyong piso pandarambong sa pondo ng bayan.
Kasalukuyang nasa Archive ng Senado ang Articles of Impeachment. Madali itong buhayin. Kailangan lang may isang senador na maghain ng mosyon upang muli itong buhayin. Kapag sinegundahan ng isang senador ang mosyon, buhay na ito.
Kahit harangan ito ni Cayetano, Rodente, at Babs, walang mangyayari. Magagawa ng bagong mayorya ang kanilang nais.
Hindi sila kailangan hintayin ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa tatlong motions for reconsideration (MRs) na iniharap ng Camara at dalawang grupo hinggil sa naunang desisyon ng Mataas na Hukuman na ideklarang laban sa Saligang Batas ang paglilitis kay Misfit Sara.
Nagparinig kamakailan si Sen. Kiko Pangilinan na puedeng ituloy ng Senado ang paglilitis kay Misfit Sara. Sinabi ni Kiko na mas mataas ang Senado bilang impeachment court kesa sa Korte Suprema. Sa maikling salita, puedeng ibasura ng Senado bilang hukuman ang unang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang paglilitis kay Misfit.
Walang kapangyarihan ang Korte Suprema na sakupin ang poder ng Senado bilang hukuman na lilitis sa sinumang opisyal na nahatulan ng impeachment ng Camara de Representante. Kapag iginiit ng Senado ang kapangyarihang ito, walang magagawa ang Korte Suprema.
Sa ganang amin, pinakamaganda na ituloy ng Senado ang naantalang impeachment trial. Alamin kung nagkasala si Misfit sa batas at bigyan ng karampatang parusa.
***
MISTULANG maamong tupa si Bong Revilla na ipahayag kung humihingi siya ng dasal upang hindi masabit at makulong sa flood control scandal. Ang buong akala ay biktima siya ng anumang sabwatan hinggil sa iskandalong ito. Ang totoo ay sangkot siya at may hinala na isa siya sa mga tumabo ng daang milyon piso na salapi ng bayan kaugnay sa pandarambong sa kaban ng bayan.
Hindi na nakakapagtaka na kapag may iskandalo hinggil sa salapi ng bayan, sangkot si Bong Revilla at ang kanyang partner sa pagnanakaw na si Jinggoy Estrada. Totoong sakit sila ng sambaynan. Sila ang mga kilabot na mandarambong. Isang malaking pagkukunwari ang hiling ni Bong na ipagdasal siya. Hindi namin siya ipagdarasal. Hindi kami sinto-sinto para maniwala sa kanya.
***
MGA PILING SALITA: “This afternoon, I took a short jeepney ride from my office to a bank in Kyusi. It was a fairly uneventful ride except for a sticker on its windshield. It definitely caught my attention because it says: ‘Palikerong mapagmahal.’ It’s not exactly new, but it nevertheless aroused my curiosity. Yes, Pinoys love oxymorons, or expressions that use phrases of two exactly opposite words to convey a different meaning. Jeepneys are great vehicles for these oxymorons, which literally mean putting life (oxygen) into something moronic.
“I remember the following oxymorons, which I read from other jeepneys’ graffitis and indeed put them into my memory bank: milyonaryong gipit; mahinhing talipandas; sosayting dukha; binatang ama; pulubing donya; pulis patola; sundalong kanin; at iba pa. It’s in our culture to make use of something idiotic. It’s in our collective DNA as a people to put meaning into something moronic. Question: Sino iyong tanga na wise?” – PL, netizen, kritiko