Advertisers

Advertisers

MAG-SISTER BRUTAL NA PINASLANG

0 29

Advertisers

BRUTAL na pinatay ang magkapatid na nangungupahan sa Naga City. Ang kanilang mga bangkay ay magkahiwalay na natagpuan linggo ng umaga .



Unang natagpuan ang 27-anyos na si Claudette sa tabi ng kalsada malapit sa isang subdivision sa barangay Concepcion Pequeña, may tama ng taga at putol ang isang kamay.

Ang magkapatid ay mga taga-Barangay Cotmo, San Fernando, Camarines Sur, na nangungupahan lamang sa Naga City.

Natagpuan naman ang bankay ng nakababatang kapatid, si Mae, 25, estudyante, sa inuupahang bahay sa Zone 1 ng nasabing barangay. Nakabalot ito ng kumot at may mga tama rin ng matalim na bagay.

Ayon sa Police Regional Office 5, ipinag-utos na ang full- scale manhunt at masusing imbestigasyon upang matukoy at madakip ang responsable sa krimen.

Ayon sa pulisya, ang ka-live in ng isa sa biktima ang primary suspect, si Mar, 35, residente rin ng Barangay Concepcion Pequena.

Samantala, nanawagan ng nagdadalamhating ina, Erlinda Divinagracia, sa responsable sa pagpatay sa kaniyang dalawang anak na sumuko at makonsensiya. Hustisya ang sigaw ng pamilya.(Mark Obleada)