Advertisers

Advertisers

Natakot sa pahayag ni PBBM…DISCAYA SUMUKO SA NBI, INUNAHAN PAGLABAS NG WARRANT

0 24

Advertisers

BAGO ang inaasahang pag-isyu ng warrant of arrest laban sa government contractor na si Sarah Discaya, sumulpot ang huli sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes, Disyembre 9.

Ito ay nang ianunsyo ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na ilalabas ang warrant sa linggong ito at marami ang magpa-Pasko sa kulungan na mga sangkot sa multi-billion flood control anomalies.

Ayon sa ulat, habang nakabinbin pa ang warrant of arrest, humingi ng tulong si Discaya sa NBI para sa pagsusumite sa voluntary custody.



Kamakailan, nag-file ang Office of the Ombudsman ng graft at malversation cases laban kay Discaya at ilang opisyal ng DPWH kaugnay ng P96.5 million “ghost” flood control project sa Davao Occidental.

Iniulat nitong Martes ni PBBM na ang walong opisyal ng DPWH sa Davao Occicental ay nagpadala na ng sulat sa NBI para sa kanilang pagsuko.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">