Advertisers
Pinalitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang singer-songwriter na si Luke Mejares bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ito’y matapos italaga ni PBBM si Evylene Velez Advincula bilang kapalit ni Mejares.
Sinasabing iniluklok si Mejares sa MTRCB ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.
Batay sa appointment paper na may petsang December 2,2025, ipinagkakatiwala ng Pangulo kay Advincula ang nabanggit na posisyon.
Manunungkulan si Advincula sa MTRCB hanggang September 30, 2026. (Gilbert Perdez)