Advertisers

Advertisers

Pulis patay, 2 sugatan sa engkuentro sa Quezon

0 8

Advertisers

NASAWI ang isang pulis na miyembro ng Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) sa sagupaan sa pagitan ng mga awtoridad at armadong grupo sa Sitio Pulyok, Barangay San Isidro, Candelaria, Quezon noong Biyernes, Disyembre 19.

Sugatan naman ang dalawa iba pang pulis sa engkwentro.

Sa report ng Quezon Police Provincial Office, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang QPMFC nang makaharap at sitahin ng mga pulis ang grupo.



Nagpaputok ang armadong grupo na agad ikinasawi ng isang pulis.

Samantala, nagkaroon ng panibagong engkwentro sa pagitan ng mga pulis at armadong grupo Sabado ng umaga, Disyembre 20, habang nagsasagawa ang pulisya ng follow-up operation sa lugar.



Dito napatay ng mga pulis ang lider ng armadong grupo at narekober ang dalawang 5.56-caliber rifle mula sa encounter site.

Nagpapatuloy ang hot pursuit ng mga awtoridad sa nasabing grupo.



Sa ulat, sangkot umano ang grupo sa gun for hire at pagtutulak ng droga at dati nang may kasong murder ang nasawing lider.(Koi Laura)