Advertisers

Advertisers

Charo natupad ang pangarap na maidirek ni Brillante Mendoza

0 26

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Natupad ang pangarap ng magaling at award-winning actress na si Charo Santos na maidirihe ng Cannes best director na si Brilliante Mendoza.

Ayon sa acclaimed director ng “Ma Rosa”, matagal na raw siyang may naiisip na proyekto para sa MMK host pero hindi magtugma ang kanilang schedules.

Hirit pa ni Brillante, nasabi raw sa kanya ni Charo na kumpleto na ang filmography nito dahil naidirek na siya ng master filmmaker sa “Until She Remembers.”

“Sabi niya, buo na ang filmography niya kasi nagka-work na kami,” ani Brillante.

Nakatrabaho na nga pala ni Charo ang mga batikang direktor tulad nina Lav Diaz, Lino Brocka, Mike De Leon at Maryo J. Delos Reyes kaya dream come true sa kanya ang maidirehe ni Brillante.

Sey pa niya, medyo nanibago raw si Charo sa kanyang istilo noong una dahil wala siyang sinusunod na script.

Gayunpaman, sobrang bilib daw siya sa pagiging matalino at propesyonal na aktres ni Charo.

“She’s a very sensible actress. Sa set nga, madali kaming natatapos kasi sobrang dali nilang katrabaho,” lahad niya. “Bigyan mo lang sila ng description ng kanilang role at iyong sitwasyon, gets na nila,” dugtong niya.

Ang “Until She Remembers” ay tumatalakay sa dakilang pag-iibigan ng dalawang tao na sinubok ng panahon.

Bukod kay Charo, mga bida rin dito sina Barbie Forteza at Boots Anson Roa.

Sobrang napabilib din si Direk Brillante sa range ni Barbie.

“She’s good at improvisation. Kuhang-kuha niya iyong style ko,” bulalas niya.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Angel Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Perla Bautista, at Carlitos Siguion-Reyna.

Ang “Until She Remembers” ay iprinudyus ng Centerstage Productions at Solar Entertainment at nakatakdang mapanood sa susunod na taon.