Advertisers
Ni Anne Venancio
Sa ngayon, tila malabo pang matuloy ang sinasabing sitcom ng dating magkasintahan matapos walang bagong update tungkol sa proyekto.
Habang nananatiling low-key si John Lloyd Cruz, kapansin-pansin namang “single” ang status ng kanyang mga social media post, kahit na lumitaw sa kanyang Instagram Story ang kanyang ex-girlfriend na si Isabel Santos.
Matatandaang nauna nang ibinunyag ni Bayani Agbayani na nakaplano ang reunion project nina John Lloyd at Ellen sa GMA Network. Bukod dito, may mga ulat ding may ipinitch na reunion movie para kina Lloydie at Sarah Geronimo, ngunit hanggang ngayon ay wala pa umanong tugon ang aktor.
Sa ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon kung alin sa mga proyektong ito ang matutuloy. Kaya naman ang fans, waiting game pa rin kung alin sa mga inaabangang comeback ng aktor ang unang matutupad.