Advertisers

Advertisers

Aiko Melendez kumalas na kay Ogie Diaz bilang manager

0 8

Advertisers

Tinapos na ng aktres at Quezon City Councilor Aiko Melendez ang kanilang partnership ni Ogie Diaz bilang talent at manager.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Aiko na naghiwalay na sila ng landas ng kanyang manager na si Ogie.

“My manager Ogie Diaz and I have reached a crossroads in our business life, and we have chosen to take separate roads. Though one thing remains unchanged, we are still good friends. I deeply value the friendship we have built through the years,” ani Aiko.

“Always grateful Ogie, for the friendship, trust, and memories we’ve shared and will share. Mahal pa din kita alam mo yan mader,” sey pa ni Aiko.

Sa comments section, makikitang kumbinsido naman ang mga netizen na ang paghihiwalay nina Aiko at Ogie ay dahil sa magkaiba nilang pinapanigan sa pulitika.

Pormal namang kinumpirma ni Ogie Diaz na hindi na niya mina-manage ang aktres at politiko na si Aiko Melendez matapos ang ilang taon nilang professional partnership.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog, diretsahang nilinaw ni Ogie ang tunay na dahilan ng pagtatapos ng kanilang professional relationship bilang manager at talent.

Ayon kay Ogie, maayos at walang samaan ng loob ang naging paghihiwalay nila ni Aiko. Siya mismo umano ang unang nagpaalam sa pamamagitan ng mensahe at ipinaalam na nais niyang mas pagtuunan ng pansin ang kanyang political career at ang mga plano niya sa buhay.

“Maganda rin naman yung paghihiwalay namin. Hindi ko na po mina-manage si Aiko Melendez, si Aiko ay maayos na nagpaalam, through Viber, through message, na magko-concentrate siya sa politics at yun mga gusto niyang mangyari sa buhay niya.”

Si Aiko ay kilalang supporter ng mga Duterte habang si Ogie ay nabibilang sa mga tinatawag na ‘kakampink’.