Advertisers
Ni Anne Venancio
Isa na namang makabuluhang proyekto ang hatid ni Alden Richards bilang host ng GMA Public Affairs documentary na Rebuilding Broken Rooms. Sa pagkakataong ito, hindi lang entertainment ang kanyang dala kundi isang mahalagang mensahe tungkol sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa pagbisita niya sa iba’t ibang paaralan, personal na nasaksihan ni Alden ang mga hamong kinahaharap ng mga estudyante. Ayon sa Asia’s Multimedia Star, panahon na para mas bigyang-priyoridad ang edukasyon at magkaroon ng mas maraming taong mamulat sa realidad ng sistema.
Bukod dito, todo-preparasyon na rin si Alden para sa kanyang inaabangang medical drama na Code Grey, kung saan bibigyang-buhay niya si Dr. Greyson Lazaro. Excited din ang aktor na ipakita ang kakaibang atake ng kanyang karakter.
Dagdag good vibes, natupad na rin ni Alden ang isa pa niyang milestone—ang magkaroon ng sarili niyang bahay. Matapos unahin ang pamilya, oras na raw para ipagdiwang ang bunga ng kanyang pagsisikap at inspirasyon para mas magsumikap pa.