Advertisers

Advertisers

KRYSTLE GO LUMIKHA NG KASAYSAYAN; SPARKLE ARTIST MICHAEL SAGER MAHUSAY MAG-HOST

0 43

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Lumikha ng kasaysayan si Krystle Go bilang kauna-unahang babaeng may Down Syndrome na nanalong Best Actress!

Wagi si Krystel para sa pelikulang I’mPerfect sa 51st Metro Manila Film Festival.

Bukod dito ay nanalo rin ang I’mPerfect, na produced ng Nathan Studios,bilang Jury Prize: Best Ensemble at ang pinamalaking karangalan sa naturang filmfest bilang Best Picture!

Matapos nga ang awards night ay nagpadala kami ng mensahe kay Sylvia Sanchez, ang producer sa likod ng Nathan Studios at isa rin sa mga cast members ng I’mPerfect…

“Best Actress. Best Ensemble. Best Picture. Congratulations! Mahal ka ng Diyos, Jossette!”

Jossette Campo Atayde ang tunay na pangalan.

ni Sylvia, na sumagot agad sa message namin ng, “Bago matapos ang 2025, binigyan Niya kami ng tatlong blessings! Ang tindi ng mga blessings na ito!”

Siguradong masaya at gumaan ang loob ni Sylvia sa mga blessings na ito; bukas na aklat sa publiko na kailan lamang at hanggang ngayon ay may dinaranas na personal at politikal na krisis sa buhay ang pamilya nina Sylvia kabilang ang mister niya na si Art Atayde at anak nilang si Quezon City 1st District Arjo Atayde.

Katuwang kami ng pamilyang Atayde sa pananalangin na sa Bagong Taong 2026 ay magkaroon ng kalinawan, kaayusan at kapayapaan ang kanilang buhay, puso at isip at malampasan ang anumang pinagdaraanan nila ngayon dahil mahal na mahal namin ang pamilyang Atayde kabilang sina Ria Atayde-Marudo, ang inaanak naming si Gela at ang bunsong si Xavi Atayde.

***

Na-happy kami sa mga pelikula at personalidad na nagwagi rin sa 51st MMFF higit lalo sa mga pelikulang naimbitahan kami sa kani-kanilang mediacon.

Masigabong palakpakan para sa mahal naming Kapuso actor na si Tom Rodriguez na nagwaging Best Supporting Actor para sa UnMarry; ang talent ni kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle na si Ms. Odette Khan bilang Best Supporting Actress (for Bar Boys: After School); sa 2nd Best Picture na UnMarry (Best Director ang direktor nito na si Jeffrey Jeturian) nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo; ang Bar Boys: After School na ginawaran ng Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence; ang cute bagets actor na si Zack Sibug ng UnMarry bilang Breakthrough Performance Award; ang UnMarry bilang Best Screenplay (Chris Martinez at Therese Cayaba); si Benjo Ferrer (Best Editing for UnMarry, na nanalo ring Best Float) at Shake, Rattke & Roll: Evil Origins bilang Best Visual Effects (Santelmo Inc.).

Samantala, nagkakaisa ang marami sa pagsasabing napakahusay mag-host sa MMFF Gabi ng Parangal ng Sparkle male star na si Michael Sager.

Napakaguguwapo naman ng mga tinanghal na Male Stars of the Night na sina Sparkle artists Will Ashley at Dustin Yu.

Slim na slim at lalong gumanda ang Rekonek actress na si Cassy Legaspi, sana ay sumali siya sa Miss Universe Philippines!

Dashing and debonair naman ang kakambal niyang si Mavy Legaspi na artista rin sa Rekonek.