Advertisers
Sa halip na saya, binalot ng takot ang mga residente ng lamunin ng apoy ang isang tindahan ng paputok sa gitna ng pasalubong sa taong Enero 1, 2026.
Ito’y dahil sa palpak na “aerial firework” ng magkaroon ito ng malfunction at tumumba ang paputok sa Sumulong Football Field, Brgy., dela Paz sa Antipolo City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog dakong 12:05 AM. Nag-ugat umano ito sa isang aerial firework na nag-malfunction habang ginagamit sa pagsalubong sa taong 2026.
Sa halip na tumaas, tumumba ang paputok at sumabog sa mismong ground level, dahilan upang mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit na tindahan ng mga paputok.
Dahil sa mabilis na aksyon ng mga bumbero, idineklarang fire out ang sunog dakong 12:12 AM, pitong minuto matapos itong magsimula. Bagaman mabilis na naapula, opisyal lamang itong naiulat sa Antipolo Component City Police Station dakong 1:30 AM matapos ang validation sa lugar. (Edwin Moreno)