Advertisers
Nagsalita na ang Kapamilya actress na si Elisse Joson matapos kumalat ang tsismis na siya raw ay kabit at third party sa hiwalayan ng ibang personalidad.
Nagsimula ang alegasyon laban kay Elisse noong nakaraang taon, matapos umusbong ang tsismis na nahuli siyang kahalikan si Joshua Garcia sa Star Magical Christmas Ball.
Sinundan ito ng mga haka-haka tungkol sa kanyang hiwalayan kay McCoy De Leon noong Hulyo 2025, at umano’y relasyon kay Kobe Paras.
Itinuro rin siya bilang third party sa breakup nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Sa kanyang TikTok post, mapapanood si Elisse na nag-lip sync sa kantang “Taco Truck x VB” at “Radio mashup.”
Nilinaw ng aktres na hindi siya sangkot sa anumang relasyon na hindi tama at mas pinipili niyang manatiling pribado at mapayapa sa 2026.
“Goodbye 2025. Time to clear the air—not a kabit. Never was. 2026: minding my own business, building, and choosing peace,” ani Elisse.
Sinabi rin niya na gusto niyang simulan ang bagong taon nang mas magaan at hindi dala ang mga maling paratang.
“Leaving false narratives in 2025. Entering 2026 lighter,” sey pa niya.
Sa huli, binigyang-diin niya kung paano nakatulong sa kanya ang nakaraang taon sa personal na paglago.
“The year that broke me and quietly rebuilt me. Thank you, 2025. Hello, 2026. I’m excited for you! Wishing the new year to be kinder to you in all the ways you need,” dagdag pa nito.