Advertisers

Advertisers

Rica Peralejo pinabulaanan paratang na ginastos pera ng simbahan

0 4

Advertisers

Mariing pinabulaanan ni Rica Peralejo ang kumalat na paratang na kinuha niya umano ang pondo ng simbahan sa pinaglilingkuran niya kasama ang asawang si Joseph Bonifacio.

Sa kanyang Threads, ibinahagi ni Rica ang screenshot ng TikTok user na nagparatang sa kanya.

“If you steal the tithes, may balik talaga,” pahayag nito.

Ngunit nilinaw ng aktres na mas malaki pa ang kanyang personal na ipon kaysa sa pera ng simbahan, kaya imposible umano ang alegasyon.

“Pasikatin ‘to si Agathon Topacio from TikTok who keeps insinuating I use the money of our church. How can I use it when I have more money from all my years of work till present than my husband and the church?” matapang na sagot nito.

Kinuwestiyon din ni Rica ang motibo ng naturang netizen sa pagbabato ng malisyosong paratang.

“Alam naman natin na hindi lang siya nag-iisip ng magandang narrative kaya hindi siya nakapili ng tamang ibato sa pagkatao ko pero I wanna know why kaya?” dagdag pa niya.

Binanggit rin ni Rica ang posibilidad na may personal na dahilan si Agathon sa paglikha ng mga kasinungalingan.

“I have theories. One is projection. Yung iniwan namin for that reason ay malapit sa kanya,” aniya pa.