Advertisers

Advertisers

Discaya-Gardiola konek buking ng AMLC

0 23

Advertisers

NAKALKAL ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga transaksyon na umano’y nag-uugnay sa mag-asawang flood control contractor na sina Curlee at Sarah Discaya at Congressman Edwin Gardiola.

Batay sa mga dokumentong nakalap ng Bilyonaryo, nagkaroon ng transaksyon ang St. Timothy Construction Corp. ng mga Discaya at Newington Builders Inc. na iniuugnay kay Gardiola.

Inihayag ng AMLC na ang St. Timothy ay nagpasok ng mga “on-us” check deposit sa Newington na umabot sa P67.787 milyon noong 2024 at P10.985 milyon noong 2023, o kabuuang halaga na P78.772 milyon.



Iniulat din ng AMLC na ang Newington, na dating kilala bilang E. Gardiola Construction, ay nagtala ng kabuuang transaksyon na P205.98 bilyon mula 2021 hanggang 2025.

Habang ang St. Timothy ay may pinagsamang inflows at outflows na P48.3 bilyon sa mga bank account nito mula 2016 hanggang 2025.



Matatandaang na-freeze na ng AMLC ang aabot sa 1,193 personal at corporate account ni Gardiola at ng mga construction firm na konektado sa kanya.

Inirekomenda rin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban kay Gardiola at pitong iba pa na umano’y “cong-tractors”.



Samantala, kasalukuyang nakakulong si Sarah Discaya sa Cebu sa kasong graft at malversation habang nasa kustodiya ng Senado si Curlee nang ma-contempt sa pagdinig kaugnay ng imbestiga-syon sa flood control scandal.