Advertisers
INANUNSYO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Lunes, Enero 12, na walong regional directors at district engineers ang inalis sa puwesto sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa maano-malyang flood control projects.
Kabilang dito ang apat na regional directors ng Ilocos, Jovel Mendoza ng Calabarzon, Virgilio Eduarte ng Bicol, at Danilo Villa ng Central Visayas.
Kasama rin ang mga assistant regional director na sina Neil Farala ng Mimaropa at Annie Dela Vega ng Bicol.
Gayundin ang mga district engineer na sina Ruel Umali ng Metro Manila 3rd DEO, at Manny Bulusan ng South Manila DEO.
Bukod sa kanila, may tatlo pang aalisin sa ahensya dahil sa hindi pag-abot ng qualification standards ng Civil Service Commission (CSC).
Kabilang dito ang mga district engineer na sina Sherylann Gonzales ng La Union 1st DEO, Roy Pacanan ng Iloilo City DEO, at Peter Scheller Soco ng Leyte 4th DEO.(Jocelyn Domenden)