Advertisers

Advertisers

Trahedya sa Sibulan PNP: Hepe ng Negros Oriental sinibak

0 20

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO) kaugnay ng pamamaril ng isang pulis na ikinasawi ng 3 pulis kabilang ang hepe at isang babae sa Sibulan, Negros Oriental noong Enero 9, 2026.

Ang sinibak sa puwesto ay si Colonel Crisente Tiguelo, batay sa command responsibility, at pangsamantala itinalagang officer in charge ng NOPPO si Col. Lito Patay.

Ayon kay Brigadier General Randolf Tunao, PNP spokesman, ang pagsibak kayTiguelo ay dahil sa pag-kabigo niya na maayos ang pangasiwaan ng kanilang mga tauhan para mapanatili ang disiplina at propesyona-lismo sa kanilang mga hanay o nasasa-kupan, gayundin ang close supervision at agarang pag-ak-syon laban sa anumang ma-ling asal ng kanilang mga tauhan batay sa direktiba ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez.



“Command responsibility applies at all levels, and failure to enforce standards will be dealt with in accordance with the law,” ani ni Tunao

Sinabi ni Tuano na may polisiya ang organisasyon ng zero tolerance laban sa anumang imoral, iligal, o unethical na gawain na sumisira sa imahe ng serbisyo o nagpapahina sa tiwala ng publiko.



Magugunita na pinagbabaril at napatay ng isang pulis ang 3 nitong kasamahang pulis kabilang ang kanyang hepe at isang babae sa isang resto bar sa Sibulan, Enero 9 ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sibulan police chief Capt. Jose Edrohil Cimafranca, Senior Master Sgt. Tristan Chua, Pat. Rey Albert Temblor, at resto bar employee Sheila Mae Dina-nao.



Ang salarin ay si Staff Sgt. Bonifacio Saycon.

Nabatid na nag-iinuman ang nasabing mga pulis sa nasabing resto bar nang bigla nalang barilin ng 3 beses ni SSgt Saycon si Dinanao na kaagad nasawi.

Inaresto at dinis-arma-han ng mga kasamahan si Sayson, at habang sakay sa isang sasakayan patungo police station, lingid sa kaalaman ng mga biktima na mayroon pang isang ba-ril na caliber 9 mm ang sa-larin at pinagbabaril ang 3 na ikinasawi noon din.

Sumuko si Saycon sa Tanjay City Police kasama ang kanyang pamilya.

Patuloy ang imbestiga-syon sa krimen.(Mark Obleada)