Advertisers
KINUMPIRMA ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na may 24 sasakyan ang nasa listahan ng kanilang ahensya na iniuugnay kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co.
Matatandaan na kinumpiska ng pinagsanib na opera-syon ng PNP, Bureau of Customs (BOC), at Land Transportation Office (LTO) sa isang condominium building sa BGC, Taguig City ang 12 luxury cars at nasa kustodiya na ito ngayon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay HPG Director, Brigadier General Hansel Marantan, may dalawa pang sasakyan ang naiwan sa na-sabing lugar dahil hindi ito mapaandar. Sa kabuuan ay 14 sasakyan na ang narerekober ng ahensya.
Tiniyak nito na bantay-sarado ang nasabing mga naiwang sasakyan, at inaasa-hang kukunin nitong ng Lunes.
Sa ngayon, mayroon pang 10 sasakyan na may kaugna-yan kay Co ang hinhahanap pa ng mga awtoridad.
Nanindigan si Marantan na legal ang kanilang ginawang operasyon matapos ang pag-alma ng kampo ni Co at sinabi pang sasampahan ng kaso ang mga kumuha ng mga na-sabing sasakyan.(Mark Obleada)