Advertisers

Advertisers

2 pulis lagot sa pang-aabuso

0 20

Advertisers

NAHAHARAP sa im-bestigasyon ng Philippine National Police (PNP) ang da-lawang pulis, isa sa Manila at isa sa Cebu dahil sa pang-aabuso.

Ayon sa ulat, inakusahan ang pulis sa Manila ng panggagahasa sa isang 27-anyos na babae.

Sinabi ng PNP na iniulat ng biktima sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang insidente, at kinumpirma ng medico-legal ang mga palatandaan ng pang-aabuso.



May CCTV footage rin na nagpapakita na ang pulis ay “carrying an unconscious woman into a motel” sa Sampaloc, Manila noong December 4.

Itinanggi ng abogado ng pulis ang akusasyon at sina-bing “consensual” ang kanilang interaksyon.



Samantala, inakusahan ang pulis sa Cebu ng pananakit sa isang taong may kapansanan.

Ayon sa PNP, nagkaalitan ang pulis at biktima habang nagmomotorsiklo sa Cebu.



Viral sa social media ang CCTV footage na nagpapa-kita sa pulis na bumaba sa kanyang motorsiklo at sinapak ang biktima, na nahulog mula sa kanyang sasakyan.

Wala paring pahayag ang pulis ukol sa akusasyon.

Inalis sa tungkulin ang da-lawang pulis at inilagay sa ‘restrictive custody’ habang iniimbestigahan ang kaso, ayon kay PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr.

Inutos din niya ang paghahain ng criminal at administrative cases laban sa dalawang opisyal.