Advertisers
Isa pang napag-usapan nina Eugene Torre at Brod Pete noong Huwebes sa Pan de Amerikano Resto sa Marikina ay ang mga blunder na pagkakamali natin sa chess at buhay.
Inamin ni Eugene na wrong move niya ay ang mga bisyo katulad ng paninigarilyo. Naitama na niya at hindi na siya nagyoyosi ngayon.
Heto pa patawa ni Isko noong joke time. Ano hilig gawin ng mga babaeng tagahanga ni Eugene Torre ? Eh di Chess-mis.
Eh yung paboritong palaman sa tinapay ng mga grandmaster?Eh di Chess-wiz.
Ere pa hirit. Bakit napakahusay ni Eugene sa chess? Kasi siya may tatlong torre.
Yung dalawang piyesa at yung apilyido niya. Hehe.
Grabe saya namin at makabuluhan pa.
***
Yung mga best point guard ng Class of 2018 ay wala na sa una nilang pinaglaruan ngayon.
Si Luka Doncic na na-draft ng Atlanta Hawks pero na-trade nila sa Dallas agad ay siya ng bida sa Lakers matapos sumikat sa Mavericks.
Si Shai Gilgeous Alexander na kinuha ng Clippers bilang rookie ay nagkampeon na sa OKC Thunder noong isang taon at MVP pa kamo.
Si Jalen Brunson na orihinal na Mavs ay hari na ng New York Knicks
Ire naman si Trae Young na walong taong star ng Atlanta ay kalilipat lang sa Washington
Ganoon talaga ang buhay ng pro. Kung hindi mabunga ang relasyon nyo ng team ay ipagpapalit ka.
***
Piling-piling panauhin natin si Norman Black sa Lunes sa OKS@DWBL.
Ipapakwento natin sa champion coach ng Gilas sa 33rd SEA Games ang pinagdaanang. nilang hirap bago nakamit ang ginto sa palaro.
Mula ito sa pagkakataga sa kanya noong Mayo 2025 ng SBP hanggang sa laban vs sa host na Thailand.
Batid natin na hindi naging madali ang ang tagumpay dahil sa maraming dahilan. Ididitalye ito ni Mr 100% sa ating panayam.
Masusubaybayan nyo rin ang palatuntunan sa YouTube at Facebook sa ganap na alas kuwatro ng hapon.