Advertisers

Advertisers

Politiko bawal nang mag-epal sa pamamahagi ng ayuda ng DWSD

0 19

Advertisers

INANUNSYO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na bawal nang umepal ang sinomang politiko sa pamamahagi o distribusyon ng ayuda ng ahensiya.

Sa kanyang statement, binigyang-diin ni Gatchalian na ang mga benepisyaryo ay hindi na kailangan ng referrals mula sa sinomang politiko o organisasyon para makatanggap ng cash assistance mula sa DSWD.

“Test us, subukan ninyo kami. Kahit na walang referral, right here, right now, pumunta kayo sa kahit na anong DSWD office, tutulungan kayo ng mga social worker namin,” pagtiyak ng kalihim.

Ito’t kasunod narin ng utos ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na ipagbawal ang presensiya ng politiko sa oras ng pamamahagi ng cash aid ng DSWD.

Ang cash aid na ipinamamahagi ng DSWD ay taxpayers money, hindi pera ng sinomang politiko. Kaya hindi sila dapat nagbibida sa oras ng pamamahagi nito lalo kapag panahon ng kampanya sa eleksyon.

Kapansin-pansin kasi na tuwing mamahagi ng ayuda ang DSWD lalo sa mga probinsiya, ‘pag panahon ng kampanya sa eleksyon, ay nandoon ang grupo ng mga politiko – mula sa kongresista, gobernador, bise gobernador, mga sangguniang panlalawigan, mayor, konsehal at barangay officials partikukar kapitan – na mga nakaupo sa presidential table, tapos magsasalita ang kongresista, gobernador at mayor ng pagkahaba-haba na tila ipinamumukha sa mga benepisyaryo na utang na loob sa kanila ang pagtanggap ng mga ito ng cash aid. Mismo!

Anyway, kasalanan din ng opisyal ng DSWD ang pagpunta ng politiko sa oras ng pamamahagi ng ayuda, inimbitahan nila eh.

Hindi naman malalaman ng politiko ang oras ng pamamahagi ng ayuda kung hindi ipinagbigay-alam sa kanila ng taga-DSWD. Kaya dapat ikintal ni Gatchalian sa kukute ng kanyang mga opisyal na ‘wag na ‘wag mang-imbita ng politiko sa araw ng distribution ng cash aid. Dapat!

Dapat maglaan ang DSWD ng parusa sa DSWD officers ‘pag nagkaroon ng politiko sa oras ng pamamahagi ng cash aid. That’s it!

***

Sinabi ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na nakahanda siyang harapin ang ihahaing impeachment laban sa kanya.

Aniya, wala siyang nilabag na batas. Kaya wala siyang dapat ikabahala sa planong pagpatasik sa kanya ng kampo ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ang dapat aniyang ma-impeach ay ang mga nagtataksil sa ating Saligang Batas, mga mandarambong sa pondo ng publiko.

Sa kabilang banda, naghahanda narin ang kongreso para sa muling paghain ng impeachment laban kay VP Sara sa Pebrero.

Ang unang impeachment case laban kay VP Sara ay ibinasura ng Korte Suprema dahil sa mga teknikalidad.