Advertisers

Advertisers

Paslit patay sa buto ng rambutan

0 9

Advertisers

NASAWI ang isang limang-taon gulang na batang lalaki matapos mabulunan ng buto ng rambutan habang kumakain sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa ulat sa The Star, nangyari ang insidente 1:30 ng hapon sa Felda Neram 1, Kemaman, Terengganu, Malaysia noong Enero 19.
Kasama ng biktima ang kanyang anim na taon gulang na ate nang mangyari ang trahedya.
Binalatan muna ng kapatid ang rambutan bago ibinigay sa bata. Habang sila ay kumakain, biglang naging paos ang boses ng paslit, na pinaniniwalaang senyales na na-stuck sa kanyang lalamunan ang buto ng prutas.
Agad isinugod ang bata sa Kemaman Hospital su-bali’t idineklara siyang patay 2:50 ng hapon ng parehong araw.
Kinumpirma sa autopsy na ang sanhi ng pagkamatay ng bata ay choking o pagkabulunan at natagpuan ang buto ng rambutan sa kanyang lalamunan.