Advertisers
Tatlong (3) wanted sa kasong robbery at reckless imprudence resulting to Slight physical injury ang naaresto ng Cainta PNP sa Brgy., Sto Domingo sa Cainta Rizal.
Sa ulat na tinanggap ni Rizal PNP Provincial director P/Col. Feloteo Gonzalgo, kinilala ang unang nadakip na si alyas “JL” may warrant of arrest mula sa korte branch-143.
Nadakip din ng Cainta Tracker Team ang 2 suspek sa kasong robbery na sina alyas “Junior” at “Meloy” sa Village East ng nabanggit na bayan.
May piyansa namang P3,000.00 si “JL” habang P72,000.00 each naman sina Junior at Meloy sa inilabas na warrant of arrest ni Hon. Judge Maria Ella Cecilla Dimaandal Dumlao-Escalante.
Nakapiit na ang 3 wanted sa detention cell ng Cainta Police Station. (Edwin Moreno)