Advertisers

Advertisers

Baby natagpuan patay sa bag ng estudyanteng ama

0 10

Advertisers

NATAGPUAN patay ang isang buwan na sanggol sa loob ng bag ng mismong ama nito na isang nursing student sa Cagayan de Oro City.
Nadiskubre ang sanggol sa loob ng boarding house kungsaan umuupa ng kwarto ang ama nito.
Ayon sa pulisya, hiniram ng ama ang sanggol mula sa ina nito sa Misamis Oriental para ipakita umano sa kanyang magulang.
Iniulat ng ina ang insidente sa pulisya nang hindi na nito makontak ang ama ng sanggol.
Agad naman na naaresto ng mga awtoridad ang 20-anyos na ama, na umaming pinatay ang sanggol dahil sa takot na malaman ng magulang na may nabuntis siya at pahintuin sa pag-aaral.
Nahaharap sa reklamong parricide ang ama.