Advertisers

Advertisers

Baby ibinenta ng ina para sa negosyong ‘kwek kwek’

0 12

Advertisers

IBINENTA ng mag-asawa ang anak nilang dalawang linggong gulang pa lamang sa halagang P27,500 para magkaroon ng puhunan sa negosyong ‘kwek-kwek’.
Agad namang nasagip ang sanggol ng mga operatiba ng Philippine National Police-Women and Children’s Protection Center sa Bulacan noong Lunes, Pebrero 2.
Sa ulat, balak ipangpuhunan ng nanay sa kwek-kwek at fishball cart business ang halagang napagbentahan sa anak.
Nadakip ang mga magulang sa isang mall sa San Jose del Monte, Bulacan sa ikinasang entrapment operation.
Agad inaresto ang mga magulang sa aktong tinatanggap ang P27,500 buy-bust money kapalit sana ng kanilang sanggol,