Advertisers
NATAGPUAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa paligid ng Ba-luk-Baluk Island, Basilan nitong Pebrero 3.
Ayon kay Commander Cheska Jamorol, supervisor ng PCG Technical Diving Group, nakahiga ang barko sa east-to-west orientation ng isla.
Sa pinagsanib na rescue at recovery operations na kinabibilangan ng mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga boluntaryong mangingisda, isang bangkay ang naiahon, na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Umakyat na sa 43 ang bilang ng mga nasawi sa trahedya, habang nananatiling 316 ang nakaligtas.