Advertisers

Advertisers

Bumaril sa pulis na itinapon sa septic tank huli sa Tagum

0 75

Advertisers

MATAPOS maglabas at ihayag ng Department of Interior and Local Government ang pabuya na P1 milyong piso nitong Pebrero 3, agad nadakip ang bumaril-patay kay Police SSgt Renato Casauay, Jr., miyembro ng PNP PDEG SOU3, noong Enero 24, 2026.
Sa inisyal na report ng PNP Tagum Intelligence Unit, nadakip na nila ang gunman na si alyas Julian Salamat sa kanilang lugar.
Samantala, kinumpirma ni Police Lt. Colonel Rommel Geneblazo na sumuko narin sa mga miyembro ng Bulacan Provincial Intelligence Unit si alyas “Egoy”, mula sa lalawigan ng Ilagan, Isabela sa Region-ll, sa tulong narin ng kanyang mga magulang.
Kasunod nito’y sumuko rin si alyas “Marvin”, at nakita narin sa bahay ni alyas “Jaco” ang sinakyan na motorsiklo ni SSgt. Casauay, Jr.
Nabatid na ang mga sumuko ay kabilang sa mga kasabwat sa pagpaslang kay SSgt. Casauay Jr., na itinapon sa septic tank sa bakuran ni alyas “Sampol” sa Golden St., Felicisima Village, Brgy. Mojon, Malolos City.
Matatandaan na una nang nadakip sina alyas Bino, Jaco, Sampol at Cpl Abalos, habang apat pa ang patuloy na hinanap ng mga awtoridad. (Thony D. Arcenal)