Advertisers

Advertisers

‘2 POLITIKO PINANSER NG ILIGAL NA PABRIKA NG YOSI!’

0 8

Advertisers

DALAWANG pulitiko mula sa Northern Luzon ang hinihinalang mastermind at financier ng malaking ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa Mexico, Pampanga.
Ito ang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa kanyang inspeksyon sa pabrikang itinuturong source ng mga smuggled na produktong ibinebenta hanggang sa mga sari-sari store.
Bagama’t ayaw magbanggit pa ng ibang detalye, tila nadulas si Remulla nang sabihing mga kongresista ang kanyang tinutukoy.
Bukod pa ang mga politiko sa apat na incorporators ng kumpanyang Samyoung Global na nag-upa ng lupa sa Barangay Panipuan.
Dalawa sa mga ito ang Pilipino, habang dalawa naman ang Koreano na nakatakdang ipa-subpoena ng CIDG.
Maliban sa atraso sa agricultural smuggling, kakasuhan din ng human trafficking ang mga may-ari nitong pabrika dahil sa mala-POGO na pagkulong at sapilitang pagpapatrabaho sa 65 Pinoy na kasamang na-rescue rito noong Enero.
Ani Remulla, kayang gumawa ng P150 milyong sigarilyo ang tatlong makina na nakalagay dito.
Sinabi ni Remulla na umaabot sa P30 bilyon ang nalulugi sa kaban ng bayan dahil sa mga ilegal na sigarilyo.