Advertisers

Advertisers

Mayor Espinosa sumuko sa NBI sa kasong ‘murder’

0 16

Advertisers

SUMUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang alkalde ng Albuera, Leyte na si Rolan “Kerwin” Espinosa nitong Huwebes nang maglabas ng warrant of arrest ang Cebu City Regional Trial Court Branch 14 laban sa kanya at apat na iba pa nitong Miyerkules dahil sa kasong pagpatay.
Walang inirekomendang piyansa para sa pagpapalaya sa akusado.
Itinanggi ng alkalde na nagtatago siya matapos ang kanyang huling pagsipot sa munisipyo noong Enero 20. Gayunpaman, inamin niya na sinasadya niyang hindi humarap sa mga pampublikong pagsipot para sa seguridad.
Si Espinosa ay kinasuhan Setyembre 2024 dahil sa umano’y kasong pagpatay sa Baybay City.
Sinabi ng kampo ni Espinosa na wala silang malinaw na impormasyon tungkol sa mga kasong isinampa laban sa alkalde.
Dagdag pa niya, ang kaso ay isa na namang taktika ng kaniyang mga karibal sa politika para guluhin ang kaniyang posisyon bilang alkalde tulad ng ginawa nila sa kaniyang ama.
Tiniyak ni Espinosa na magpapatuloy ang mga serbisyo at mga panukalang proyekto sa mga darating na buwan, kasama ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Mariel Espinosa, na siyang mamamahala, lalo na sa pagtatayo ng isang ospital.