Advertisers

Advertisers

Pulis nagdala ng babaeng walang malay sa motel at ‘ni-rape’ sumuko

0 25

Advertisers

SUMUKO na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pulis na “nanggahasa” matapos dalhin ang biktima na walang malay sa isang motel sa Maynila noong December 24, 2025.
Ang pagsuko ay matapos maglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (MRTC) laban sa naturang pulis.
Ayon kay NBI-NCR Regional Director, Atty. Joel Tovera, nakatanggap sila nitong Miyerkoles ng abiso mula sa abogado ni Mendoza hinggil sa planong pagsuko nito.
Sinundo ang pulis, Joshua Mendoza, sa isang lugar bago ito kusang sumuko.
Gayunman, sinabi ng abogado ni Mendoza na hindi nangangahulugang inaamin ng kanyang kliyente ang akusasyon dahil sa boluntaryo itong sumuko, ginawa lamang aniya ito ng kanyang kliyente para sa kanyang seguridad at dahil may tiwala ito sa NBI.
Handa aniya si Mendoza na harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Nitong hapon ng Huwebes, iniharap si Mendoza sa korte para sa return of warrant at commitment order.
Matatandaan noong January 13 nang humarap ang biktima nitong si Ana at inilahad sa NAPOLCOM ang umano’y panghahalay sa kanya ng isang pulis ng Manila Police District.
Sa salaysay ni Ana, sumama siya kay Mendoza, na kaibigan ng kanyang asawa, nang mag-away sila.
Dinala raw muna ito sa isang kainan saka dumiretso sa isang resto bar sa Tomas Morato, Quezon City.
Hinala ng biktima, may inilagay ang pulis sa kanyang iniinom na alak, dahilan na nablangko ito. Dinala siya sa isang motel, at dito na hinalay ni Mendoza.