Advertisers
NASAWI ang siyam na empleyado ng local government unit ng Bayawan City sa Negros Oriental sanhi ng pagbulusok ng kanilang sinasakyang dump truck sa malalim na gilid ng highway Miyerkules ng umaga, February 4.
Kinilala ang mga nasawi na sina Diomedes Canoy, Kervin Andog, Larry Llamos, Ronel Cabasag, Jonathan Hamor, Jovanie Babor, Jonaryl Caguisa, Castro Estemada at Egmedio Arnaiz sanhi ng mga sugat at mga pasa sa katawan na tinamo sa aksidente.
Iniulat ni Negros Oriental Provincial Police spokesperson Capt. Stephen Polinar na sakay sila ng dump truck, na may lulang krudo, na bumulusok sa malalim na gilid ng highway nang mawalan ng kontrol ang driver dahil sa mechanical trouble.
Gumulong ng ilang beses ang dump truck bago lumagpak ng patagilid malapit sa ilog sa Sitio Mansitak, Barangay Kalamtukan, Bayawan City.
Lahat ng biktina ay agad namatay sa matinding injuries na kanilang tinamo sa pangyayari.
Ayon kay Police Capt. Stephen Polinar, nagdadala ng langis at gasolina ang truck para sa mga sasakyan ng pamahalaan.
“The truck came from Barangay Manduao and was traversing the road in Sitio Mansintak, Barangay Kalamtukan, when its brakes malfunctioned, causing it to lose control and fall off the cliff into a river,” ani Polinar.(Mark Obleada)