Advertisers
Ni Beth Gelena
Minsan lang kung nagsalita ang girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier tungkol sa relasyon nila ng Kapamilya aktor.
Si Emilienne ay isang French-Pinay na lumaki dito sa bansa kung saan isa siyang atleta.
Sa isang panayam, ay natanong si Vigier kung nagseselos ba siya sa mga leading ladies ng boyfriend na si Joshua Garcia?
Aniya, “Hindi. Sa tingin ko manhid na ako sa puntong ito.” Tatlong taon na ang relasyon ni Joshua at Emiliene.
Nagkuwento si Emilienne, 27, tungkol sa relasyon nila ng dramatic actor na si Joshua Garcia , 28.
Aside sa pagiging atleta si Emilienne ay isa ring businesswoman at content creator.
Anak siya ng isang French national at isang Filipina. Isinilang at lumaki sa Pilipinas si Emilienne kaya matatas sa Tagalog, English, at French.
Bagama’t content creator siya, hindi masyadong nagpo-post si Emilienne tungkol sa relasyon niya kay Joshua, gayun din naman ang aktor.
Pagbabahagi ni girl, “We’d like to keep that private,” paliwanag ni Emilienne sa YouTube interview ni DJ Chacha, kamakailan.
Maganda ang mindset ni Emilienne, may mga bagay na dapat daw ay sa kanila lang ni Joshua at hindi na kailangang ipaalam pa sa publiko.
Dahil daw sa pagiging pribado nila, nakatulong ito sa “big time” kaya “super peaceful” ng kanilang relasyon.
“Walang mga mata. Hindi nila pinag-uusapan ang mga balakid mo online,” paliwanag ng Fil-French content creator.
Sa kabila ng pagiging pribado nila sa relasyon, si Emilienne raw ang extrovert at si Joshua ang introvert.
Tinanong din siya kung ano ang nararamdaman niya sa relasyon nila ni Joshua.
“Napakaligtas… mahal… kitang-kita mo. Napaka-mature. Nagtutulungan kami, nirerespeto ang isa’t isa. Napakatapat namin sa isa’t isa.”
“Nahanap mo na rin ang matalik mong kaibigan. At maaari kang maging mahina,” sabi ni Emilienne.
Paano ba nila pinoprotektahan ang relasyon sa sa publiko?
Prangkang sagot ni Emiliene, “We just don’t share to the public. Hindi raw sila PDA.kapag nasa publiko. At never nilang gagawing public ang kanilang relasyon.
Katuwiran niya, “Dahil ang buhay na mayroon ka kasama ang iyong kapareha, o ang pundasyon na itinatayo ninyo kasama ang iyong kapareha, ay nasa pagitan lamang ninyong dalawa. At isa pa itong paraan ng paggalang sa iyong kapareha, sa inyong relasyon, at pagpapakita ng respeto sa kanila.”
Ayan, para sa fans ni Joshua, nasagot na ang tanong ninyo kung ano ba ang update sa relasyong Emiliene at Joshua?