Advertisers
TAMA itong kautusan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na burahin, alisin ang pangalan at mukha ng sinumang politiko o government officials sa mga proyekto na pinondohan ng public funds o taxpayers money.
Ang anumang proyekto na ipinatatayo ng local o national governments ay hindi pera ng mayor, governor, congressman, senator o presidente kundi pera nating mamamayang Filipino. Kaya ang dapat na nakasulat o nakaukit dyan ay: “Ang proyektong ito ay itinayo sa pamamagitan ng pera nating mamamayan”.
Kaya saludo tayo dito sa guts ni Jonvic. Dahil tama naman talaga siya. Pero mas bibilib tayo kay Jonvic kung unahin niyang burahin ang pangalan ng mga politiko sa govt. projects sa probinsiya n’ya sa Cavite. Do it now, Sec!
***
Ibinasura na ng Kamara ang impeachment laban kay Pangulo “Bongbong” Marcos, Jr.
Wala naman kasi talagang batayan para patalsikin si PBBM. Una, ang mga nagsampa ng impeachment laban sa kanya ay may mga personal interest, mga sangkot sa katiwalian tulad ng flood control anomaly, na ang tanging rason para maalis sa kapangyarihana ng pangulo ay para makaligtas sa mga kinakaharap na kaso. Mismo!
Hindi ko ibinoto si PBBM, si Lenie Robredo ang ikinampan aya ko last presidential election. Pero nagugustuhan ko narin ang mga ginagawa ngayon ni Bongbong. Yes!
Sa totoo lang, mga pare’t mare, ang dapat i-impeach ay si Vice President Sara Duterte-Carpio. Mismo!
Kung maaalala ninyo, simula nang maupo na bise si Sara ay puros paglustay ng taxpayer money na ang kanyang inatupag. At ayaw niyang tanungin siya kung saan niya ito ginastos.
Remember her multi-million intelligence funds nung DepEd Secretary siya, na nilustay niya sa loob lamang ng 11 days?
Ang kanyang intel fund sa Office of the Vice President, hindi niya maipaliwanag kung saan dinala. Na nang imbestigahan ay nabuking na puros ghost beneficiaries ang nakatala.
Bukod pa rito ang mga inanunsyo niya sa publiko na patayin si PBBM kapag may nangyari sa kanya.
Ang ganitong karakter ng isang bise presidente ay hindi kanais-nais, tama na i-impeach siya, mga mambabatas.
***
Kung ako kay Christina Garcia-Frasco, matapos akong batikusin sa mga pagbalandra ng aking mukha at pangalan sa mga promotion ng Tourism, magbibitiw nalang ako as secretary. Aba’y kahiya-hiya eh! For delicadeza nalang, Atty.
Baka bibilib pa sayo ang madlang pipol ‘pag nagbitiw ka. Now na!