Advertisers

Advertisers

15 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Batangas

0 17

Advertisers

SUGATAN ang labing limang katao kabilang ang dalawang drayber ng nagbanggaan na Toyota Hilux pick up truck at isang pampasaherong jeepney matapos na magkarambola ang tatlong sasakyan sa crossing inter-section ng By Pass Road, Brgy. Banaba, San Pascual, Batangas bandang 5:30 ng umaga araw ng Huwebes February 5, 2026.
Ayon sa imbestigasyon ng San Pascual Municipal Police Station, kasalukuyan umanong tumatawid sa inter section ang pampasaherong jeep na minamaneho ng drayber at may ari na si alyas “Maximo”, 72 anyos at may plakang DWX 778 sakay ang labing tatlong pasahero na karamihan ay mga pawang estudyante ng Junior at Senior High school at isang guro patungo sa direksyon ng Brgy. Balimbing ng San Pascual, ng aksidenteng mabangga umano sa kanang unahan bahagi ang jeep ng isang rumaragasang Toyota Hilux pick up truck, kulay itim at may plakang DBF3434 na minamaneho naman ni alyas “Rianne”, 21 anyos, isang college student, galing sa bayan ng Bauan patungo sa direksyon ng Batangas City, nahagip din ng pick up ang nakaparadang tricycle na minamaneho naman ni alyas “Ruel”, 30 anyos,isang vendor ng pandesal.
Dahil sa lakas ng epekto ng banggaan nagtamo ng mga sugat at pinsala sa kanilang mga katawan ang lahat ng mga pasahero at ang dalawang drayber ng jeep at ng pick up truck. Agad silang dinala sa iba’t ibang mga pagamutan ng mga rumespondeng tauhan ng San Pascual Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) para gamutin.
Inaalam na din ngayon ng pulisya ang halaga ng mga nasirang bahagi sa tatlong sasakyan at nagkasundo na rin umano ang magkabilang panig tungkol sa mga gastusin sa pagpagagamot sa ospital ng mga nasaktan sa nangyaring aksidente.(Koi Laura)