Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Pinag-uusapan ng mga tsismosang kapitbahay ang naging confession ni Andres Muhlach kamakailan na never pa siyang nagkaroon ng girlfriend.
At 24 kasi, parang bibihira sa isang guy na maging NGSB.
Dagdag pa niya, choice raw niya na huwag munang magdyowa.
Sa naturang panayam ni Boy Abunda, natanong din siya kung nakikialam sa kanyang lovelife ang kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Wala namang paligoy-ligoy na sinabi niya na natural lang sa parents niya ang magbigay ng advice tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi raw naman nag-iimpose ang dalawa pagdating sa babaeng bet nila para sa kanya.
Hirit pa niya, never pa rin daw niyang naranasang mag-uwi sa kanilang bahay ng potential girlfriend.
Sey pa niya, kung gagawin daw niya iyon ay siguradong seryoso na siya sa girl.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa kanyang mga ikinumpisal.
“Sa true lang siya, at least di paasa. Haha”
“Ang swerte ni Andres. Hindi niya need pilitin ang sarili niya na magpanggap in the name of his celebrity image kahit na nagsisimula pa lang siya. Why? Cause he’s a Muhlach”
“He’s still young! Hayaan nyo sya mag-explore”
“Obvious talagang Wala siyang gusto and obvious din na ayaw ng management niya sa AshDres.”
“This might have single handedly squashed all the dating chismis. Dami din na link sa kanya: BINI Mikha, Kai Montinola, Ashtine Olviga, etc.”
“pilit na pilit nman ksi ung ka love team niya haaha”
“He really got the best features of both Aga and Charlene ‘no?”
“ibig sabihin hindi niya talaga type si yung isa HAHAHAHAHA”
“ako personally, tingin ko trabaho lang yung kanila nung on screen partner niya e. wala talagang something nung nakita ko ng personal”
“imposibleng hindi tumikim ng babae dito sa Spain yan!! hahahaha sa Spain siya nag aral ng college at matic na yan”
“At least wala nang paligoy ligoy. Baka makatulong na yan, na wag na masyado umasa yung mga delulu nilang fans. Kaya din siguro nagmusical at nag aral ng tagalog, pinag hahandaan ang pag lipat.”
“End of AshDres era na ba?”
“so for promo lang at fan service iyong sweetness nila ni Ashtine.”
“Baka naman, sobrang napili ni Andres.”