Advertisers

Advertisers

MATUTULOY PAGLILITIS KAY SARA

0 34

Advertisers

WALA kaming nakikitang hadlang upang mapigil ang impeachment ni Sara Duterte sa Camara de Representantes. Hindi nalalayo ang mga unang impeachment complaint na inilatag noong Disyembre, 2024. Idinagdag lang ang kumpisal ni Ramil Madriaga, ang dating bagman ni Sara na nakakulong at bumaligtad.

Hindi halos nagbago ang komposisyon ng Camara. Inaasahan na mapapabilis ang paggulong ng dalawang impeachment complaint laban kay Sara. Madaling mabubuo at isusumite sa Senado ang Articles of Impeachment laban sa kanya. Wala sa a poder si Chiz Escudero upang pigilan ang anumang Articles of Impeachment laban sa kanya.

Kagyat na lilitisin si Sara upang matapos ang lahat. Maaaring matapos ito bago ang katapusan ng Hunyo. Matatanggal siya bilang pangalawang pangulo. Inaasahan namin na papalitan siya ni Tito Sotto bilang pangalawang pangulo.

Samantala, makukulong ang mga kakampi si Sara tulad ni Chiz, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva. Matatahimik kahit paano ang bansa. Madaling masasawata ang mga tulad ni Rodante Marcoleta at Imee Marcos. Hindi rin problema ang magkapatid na Villar at Cayetano.

****

HINDI kami nagulat sa tanghalian ng mga tinaguriang opposition leaders noong nakaraang linggo. Pinangunahan umano ni Leni Robredo, alkalde ng Naga City, ang tanghalian. Ang ikinagulat namin ay ginawa ang tanghalian tatlong taon pagkatapos na gapiin ni BBM si Leni sa halalang pampanguluhan ng 2022.

Ikinagulat rin namin ang hindi pagdalo ni Sonny Trillanes sa tanghalian. Tama si Trillanes. Walang katwiran siya na dumalo siya sa tanghalian ni Leni. Baka isipin na suportado niya si Leni na hindi naman.

Salamat at hindi nagpahayag si Leni na available siya sa 2028. Tama na ibang mukha ang pumalaot sa 2028.  Wala na ang ingay ng kanyang fans’ club na humihiling na tumakbo siya sa 2028. Tama na gumulong ang proseso upang piliin alinman kay Bam Aquino o Risa Hontiveros ang tatakbo sa 2028.

***

NAGTATAKA kami at hindi nasasaktan si Rodante Marcoleta na tawagin siyang Makapili o taksil sa bayan. Hindi biro ang paratang sa kanya ng publiko na siya ang kinatawan ng Tsina sa Senado. Kunsabagay, hindi sineseryoso si Marcoleta.

Maliit ang tingin sa kanya. Sarado ang utak at labis na makitid upang kumilala ng ibang katwiran. Ipagdasal na lang siya na sana mawala na lang siya sa Senado dahil wala siyang silbi sa bayan. Bistado siya na maka-Tsina.

****

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Whenever I’m asked who is the greatest U.S president, I always answer – It’s Abraham Lincoln. Even Americans admire his greatness. He led the U.S. in the Civil War and emancipated the black slaves. When asked the modern day greatest U.S.  president, I always point to three guys: Franklin Delano Roosevelt, Harry Truman, and Barack Obama. Roosevelt navigated his country under the worst depression years and the Second World War. Truman led the U.S. in the problematic postwar reconstruction years. Although he was the first Afro-American president, Obama handled the economic free fall and put in place the Obamacare health program. Let’s see how DJT would lead.

In the Philippines, I would give my highest approval to Manuel L. Quezon and the Aquinos, mother and son. MLQ led us during the Commonwealth, or pre-Independence days. Cory has stewarded the country during the most turbulent post-Marcos days, giving us the 1987 Constitution and the return to democracy. His son led us to understand exemplary leadership and initiated several infrastructure projects, which are now being claimed by a pretender, who idolizes the dictator. The pretender and the dictator are not included in the conversation.” – PL, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@gmail.com