Advertisers

Advertisers

70 PULIS SA BASILAN SIBAK SA HAZING

0 25

Advertisers

TINANGGAL sa puwesto ang lahat ng 70 pulis na miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 14B dahil sa hazing sa Lamitan, Basilan.
Nangyari ang hazing sa pagitan ng 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi ng Pebrero 6, sa reception rites ng mga bagong pulis, kungsaan nag-viral sa social media ang mga larawan at video ng insidente.
Ayon kay PNP Spokesperson, Brigadier General Randulf Tuaño nitong Lunes, kabilang sa mga 70 tauhan na sinibak sa puwesto ang 12 non-commissioned officers na direktang sangkot sa pangmamaltrato.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Regional Personnel Records Management Division–Regional Police Holding and Accounting Section sa Parang, Maguindanao del Norte ang mga pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sa kabuuan, nasa 18 ang complainants sa nangyaring pangmamaltrato, inaasahang madaragdagan pa ito ng 110 iba pa.
Mismong ang regional director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na si Brig. Gen. Jaysen De Guzman ang nanguna sa pag-imbestiga sa insidente mismo sa Basilan.
Ang RMFB 14 ay isang rapid deployment unit na direktang nasa ilalim ng control ni De Guzman, na miyembro din ng multi-sector Regional Peace and Development Council-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Marami sa mga na-deploy sa Basilan na mga tropa ng RMFB 14, mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front na naging mga pulis, matapos ang requisite training, batay sa peace agreement ng naturang dating Moro rebel group at ng Malacañang.
Ginulpi, pinagpapalo sila sa harapan ng maraming pulis sa Basilan sa isang police camp sa probinsya na parang mga bagong recruits sa isang college fraternity.
Ilan sa kanila ang isinugod sa hospital nang mawalan ng malay sa pambubugbog ng mga kapwa pulis, na mas naunang pumasok sa kanila sa police service.
Binigyang-diin ng PNP na mahigpit na ipinagbabawal ang hazing sa lahat ng training at orientation rites.
Nahaharap na sa administrative at criminal cases ang mga naturang pulis.