Advertisers

Advertisers

Police Colonel nagbaril?

0 81

Advertisers

NATAGPUANG walang buhay ang isang police lieutenant colonel ng Police Regional Office-Davao (PRO-11) Logistics, Research and Development Division sa kanyang quarters sa Davao City nitong Lunes, Pebrero 9.
Kinilala ang biktima na si Lt. Colonel Deosar Almasa, Officer in Charge ng Logistic ng Davao Region Police
Palaisipan sa pamunan ng PNP ang tunay na dahilan ng pagpakamatay ni Almasa, na nagtapuan duguan sa tinutuluyan niyang condominium sa Davao City.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente Lunes ng umaga bago ang pagdating ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Jose Melencio Nartatez, Jr., para sa isang command visit.
Ganap na 6:45 ng umaga nang subukang kontakin ang opisyal kaugnay ng paglipat ng kanyang sasakyan para sa pagdating ni Nartatez, nguni’t wala itong tugon.
Sapilitan na umanong pumasok ang katabing opisyal sa kanyang unit at natagpuan ang biktima na nakaupo sa isang plastik na upuan, may dugo at hawak ang kanyang short firearm.
Agad dinala ang biktima sa Southern Philippines Medical Center nguni’t idineklarang patay 7:26 ng umaga.
Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente, na posibleng nagpakamatay.
Inatasan naman ni Nartatez ang mga lokal na opisyal na tiyaking kumpleto at maayos ang ebidensya, iginiit na walang dapat itago o pagtakpan sa imbestigasyon.(Mark Obleada)