Advertisers

Advertisers

5 trabahador ng pinyahan patay sa araro ng truck

0 11

Advertisers

NASAWI ang limang trabahador ng pinyahan nang tumbukin ng truck ang kahabaan ng isang bakuran sa Valencia City, Bukidnon.
Ayon sa ulat, pauwi na ang mga biktima na noo’y katatapos lamang mag-ani ng pinya nang araruhin sila ng truck.
Tatlong babae at 2 lalaki ang mga nasawi, habang 3 ang sugatan sa insidente.
Sa imbestigasyon, nabatid na nawalan ng preno ang truck sa pababang bahagi ng daan, at natumbok nito ang kinaroroonan ng mga biktima.
Nagkasa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad, at napag-alamang substitute driver lamang ang nagmamaneho ng truck na umararo sa mga biktima.
Nangako naman ang may-ari ng plantasyon na sasagutin ang gastos sa mga biktima. Tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong taon na nilang empleyado ang limang nasawi.