Advertisers
KAAGAD nasawi ang 16-taon gulang na ina nang barilin sa noo ng kanyang mister sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa ulat, habang nagpapasuso ang biktima sa kanilang sanggol nang barilin ito ng mister.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa dahil sa matinding pagseselos ng mister, na siyang nakikitang motibo ng mga awtoridad sa likod ng karumal-dumal na krimen.
Hindi naman nasaktan ang sanggol na pinapadede noon ng biktima matapos niya itong yakapin nang mahigpit upang maprotektahan bago siya barilin ng mister.
Hindi na isinugod pa sa ospital ang biktima, na agad ding inilibing ng kaniyang mga kaanak.
Nasa pangangalaga na ng pamilya ng biktima ang naulila niyang sanggol.
Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa salarin, na mabilis tumakas matapos ang krimen.