Advertisers

Advertisers

PULIS-MAYNILA NANIPA NG PUSA, KINASUHAN!

0 17

Advertisers

KINUMPIRMA ng Manila Police District na isang pulis-Maynila ang sangkot sa pananakit sa isang “pusang Pinoy” o puspin na nahagip ng CCTV sa Barangay 178, Tondo.
Sa kuha ng CCTV sa Be-nita Street corner Ricardo Street, makikitang pagkababa ng babaeng angkas ay ipinarada ng naka-helmet na lalaki ang kanyang motorsiklo, nilapitan ang naglalakad na pusa at sinipa na parang bola. Tumama pa ang pusa sa bumper ng isang nakaparadang sasakyan bago ito kumaripas ng takbo.
Sinabi ni MPD spokesperson Major Philipp Ines na isang pulis na naka-assign sa kanilang headquarters bilang sentinel ang sangkot sa insidente na nangyari Mayo 2025.
“Meron pumunta sa atin sa General Assignment and Investigation para magdulog ng kaso sa paglabag dito sa RA 8485 o ‘yung Animal Welfare Act kungsaan base sa ating nakuhang impormasyon, nangyari ‘yung insidente May 2025,” ani Ines.
Ayon sa MPD, naisampa na ang reklamo sa Manila City Prosecutor’s Office para sa preliminary investigation upang alamin kung may sapat na ebidensya laban sa pulis.
“Kung sakaling magkakaroon ng sapat na ebidensya, meron tayong tinatawag na certainty of conviction. Da-dalhin ito sa korte para magkaroon na sila ng hearing,” dagdag ni Ines.
Iginiit din ng MPD na umiiral sa kanilang hanay ang prinsipyong “reward and punishment.”
“Kung gumawa ka ng hindi maganda, you suffer the consequences,” ani Ines, kasabay ng paalala na may mga batas na sumasaklaw sa pa-ngangalaga sa mga hayop bukod pa sa pagrespeto sa karapatang pantao.
Samantala, sinabi ni Humane Philippines president Yza Lim na nagsimula ang kanilang pag-aksyon matapos niyang makita online ang CCTV video noong Pebrero 3. Pebrero 5 nang pormal nilang ihain ang reklamong paglabag sa Animal Welfare Act laban sa pulis sa Tanggapan ng Taga-usig ng Maynila.
Ayon kay Lim, inihahanda narin nila ang pagsasampa ng kasong administratibo sa Philippine National Police Internal Affairs Service laban sa pulis at sa kanyang station commander dahil sa umano’y kabiguan nitong agad umak-syon sa insidente.
Nasa kustodiya na ng Humane Philippines ang pusang nasipa at kasalukuyang inaa-lagaan ng kanilang rescuer.