Advertisers
Ni Anne Venancio
Matapos ang matagumpay na five-day reunion concert series na “Get, Get Aw!”, excited na ang SexBomb Girls sa kanilang international shows sa UAE sa March 27 sa Dubai Exhibition Centre at sa March 28 sa 321 Sports sa Abu Dhabi.
Ayon kay Rochelle Pangilinan, malayo na ang narating ng grupo mula sa kanilang pinagsimulan. “Nagsimula sa simpleng entablado… ngayon, international na ang kembot,” aniya. May imbitasyon din siya sa kanilang fans sa UAE: “Boots on, balakang out, makipag-showdown na tayo. Get, get aww!”
Matatandaang sinabi ni Rochelle sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na isa sa mga pangarap ng grupo ang magkaroon ng world tour ngayong 2026, kabilang ang Dubai, Australia, USA, at Canada.
Pinaghahandaan na rin nila ang “rAWnd 6” kasunod ng halos sold-out nilang concert series sa Mall of Asia Arena. Sa rAWnds 3 hanggang 5, tampok ang collaboration performances kasama sina BINI, Ice Seguerra, Gloc-9, Monty Macalino ng Mayonnaise, Sam Concepcion, Gary V, at Regine Velasquez.
Unang sumikat ang SexBomb Girls sa isang noontime variety show at sa hit series na Daisy Siete. Nakilala rin sila sa mga kantang “Spaghetti Song,” “Sumayaw Sumunod,” at “Bakit Papa?”
Sa kanilang rAWnd 4, naging emosyonal ang grupo nang biglang dumating si Izzy Trazona at nang mag-propose si Joshua Zamora, asawa ni Jopay Paguia, na lalong nagpa-espesyal sa reunion concert.