Advertisers
ISANG grupo ng 18 ex-Marines ang nagsabing nagdeliber sila ng P805 billion kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Forbes Park at sa Paoay, Ilocos Norte.
Sa isang press conference, na pinangunahan ni Atty. Levi Baligod, ipinakita nila ang printed photos ng mga maleta na puno raw ng pera na kanilang deniliber.
Sinabi raw ng ex-marines na sila ay inutusan na magpapalit ang US$2 million para pondohan ang International Criminal Court (ICC) investigators, na dineliber daw ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
Mahigpit namang pinabulaanan ni Trillanes ang akusasyong ito, na tumanggap siya ng pera bilang pondo para sa pag-usad ng imbestigasyon sa ICC sa kaso ni dating pangulo Rodrigo Duterte.
Itinuturing ito ni Trillanes bilang pagtatangkang sirain ang patuloy na ICC proceedings.
Sinabi ni Trillanes na maghahain siya ng reklamo laban sa mga nagpapakalat nito.
“This is not new to me. I will not be distracted. Hahabulin ko kayo,” ngitngit ng dating renegade Navy Captain at ex-Senator na siyang nagpursige na kasuhan si Duterte sa ICC.
Si Duterte ay mag-isang taon na ngayong nakakulong sa ICC sa The Hague, Netherkands. Nagsimula na nitong Lunes ang pagbasa sa confirmation of charges laban sa kanya.