Advertisers

Advertisers

SSS ang da beSSSt GOCC!

0 24

Advertisers

ITINUTURING nang best performer sa hanay ng mga government-owned and controlled corporation( GOCC) sa kasalukuyang administrasyon ang Social Security System( SSS).

Ipinagmalaki ni Department of Finance Secretary Frederick D. Go na tumaas ng 22.1 porsyento o mahigit sa P1 trillion na ang reserve fund ng SSS.

Mula sa P1.033 trillion noong 2024, umabot na sa P1.261 trillion ang pondo ng SSS sa taong 2025.

Resulta, tataas din ang matatanggap na pension ng retirees simula September 2025 hanggang 2027.

Sa ilalim ng Pension Reform Program ng SSS, ayon kay Go, makakakuha ang mga retirement at disability pensioners ng karagdagang 10 posyentong kada taon, habang 5% kada taon para sa death at survivor pensioners.

Sinabi ni SSS President and CEO Robert Joseph M. De Claro, aabot sa 3.9 million pensioners ang makikinabang sa Pension Reform Program ng SSS.

Mismong si Pinoy sports Greatest of all Time( GOAT) bowling Hall of Famer, 7- time world champion Paeng Nepomuceno ang proud pensioner ng SSS ay hinihikayat niya ang mga kapwa atletang Pinoy na mag- contribute sa SSS para sa seguradong bukas. DA BESSST!

***

Mga Batang DAPDAP artists at atleta nagpasalamat kay Sen.Bong Go

Tuwang- tuwa ang mga kabataan ng Dapdap,Pilar,Sorsogon sa Kabikulan sa kaloob na art materials,sports equipments tulad ng bola ng basketball at volleyball at SBG t-shirts,ballers at ballpens noong lumahok sila sa idinaos na Go Young Artists/ Athletes Go – DaniGilas free Arts session and Sports clinic na idinaos sa Bgy.

Dapdap,Pilar Sorsogon noong Enero 29- 30 ’26.

Espesyal ding pasasalamat mula sa mga wagi sa on- the spot- drawing contest na sina Marc Villaro, Janine Miranda at Gerard Pamplona na tumanggap ng special prize na bench watch SBG at pambaon sa school dahil sa kanilang natatanging sining- talento.Abangan ang part 2!

Shoutout din sa masisipag,magagalang at maaasahan na SBG’s staffs na sina Ms.Deah Ricacho Mijares,Bro LP3 at tsokaran Al Arenas.Tuloy lang ang serBISYO .. GO!