Advertisers

Advertisers

Virginia Rodriguez idol si Ricky Reyes, Leave Nobody Hungry Foundation Inc. may partnership sa LAB for ALL

0 44

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

KAPURI-PURI ang adhikain ng Leave Nobody Hungry Foundation Inc. na pinamumunuan ng president at chairperson nitong si Ms. Virginia Rodriguez. Patuloy ang foundation sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan upang maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan.

Ang ilan sa mga proyekto at charity works nila ay ang pagkakaroon ng medical missions, pagtulong sa mga Indigenous People, pag-alalay sa mga nasalanta ng kalamidad, relief operations, pagbibigay ng kaalaman at pangkabuhayan, at marami pa.

Sa panayam namin kay Ms. Virginia, sinabi niyang mas nakatutok siya ngayon sa foundation na pinamumunuan.

Aniya, “Mas focus ako sa ating foundation na Leave Nobody Hungry Foundation. Mas tinututukan ko po ito dahil nagkaroon po tayo ng free training and seminar para sa ating mga kababayan na gustong kumita at pangtulong din po ito para sa pamilya.”

Kabilang sa purpose ng foundation ay magbigay ng trabaho at mag-alleviate ng hunger sa mga Filipino.

Esplika pa ni Ms. Virginia, “Mas maganda kasi po rito na pagka-graduate nila sa free training at seminar natin, papasok sila sa salon natin, ang Queen Vi Salon. Para magkaroon sila ng sariling income.”

Nalaman din namin na after ng training ay nagbibigay pa sila ng salon kit at allowance bilang pagsisimula ng mga graduate nila. Plus, ang mga deserving graduate at trainee sa salon ay maaaring mabigyan ng 100k bilang panimulang kapital para makapagpatayo ng sarili nilang negosyo.

Aminado si Ms Virginia na idol niya ang beauty guru at pilantropo na si Mader Rickey Reyes. Tinutulungan ba siya ni Mader Ricky dito o sarili niya itong project?

Sambit niya, “Actually, sarili ko po ito pero since idolo ko si Mader Ricky, napakabait po kasi niya at kaibigan natin iyan… Inidolo ko kasi siya, nasundan ko sa kanya yung pagpapatayo ng salon at the same time ay mayroon siyang free training and seminar. Then pagka-graduate ng mga estudyante, roon papasok sa salon niya.”

Kumuha ba siya ng tip kay Mader Ricky hinggil dito? “Medyo, nang nakausap ko kasi si Mader ay napakabait at nakita ko naman ang pagkilos ng Diyos sa buhay niya, talagang very successful si Mader Ricky. So, isa siya sa mga inidolo ko pagdating sa salon at sa pagpapaganda.”

Nabanggit din niya na ang kanilang foundation ay may partnership sa Libreng Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat (LAB for ALL).

Pahayag ni Ms. Virginia.”Basta ako, itutuloy ko lang ang mga programa ng ating mahal na First Lady, partnership po kasi ito, katuwang ng ating Leave Nobody Hungry Foundation ang LAB FOR ALL… Magkatuwang po kami sa pag-abot ng mga pangarap ng bawat Filipino at isa po ito sa napakagandang ginawa ng ating First Lady Liza Araneta-Marcos dahil bukas ang kanyang puso sa pagtulong at pagmamahal sa ating mga kababayan.”

Si Ms. Virginia ay dating reporter, isang matagumpay na negosyante, at pilantropo, kaya kaliwa’t kanan din ang natatanggap niyang parangal. Siya ay author din ng librong “Leave Nobody Hungry” at ngayon ay kolumnista ng broadsheet na The Market Monitor.