Advertisers
Ni Beth Gelena
Pinoprotektahan umano ni Bea Alonzo ang pribadong buhay ng boyfriend niyang si Vincent Co.
Binigyang-diin ng aktres na hindi naman daw kasi showbiz ang ginagalawan ni Vincent, isa itong very private person.
Sa kabila ng paglabas kamakailan ng mga pagbabawal sa kasal sa simbahan, nananatiling matatag si Bea sa kanyang paninindigan na ang pinakamagandang aspeto ng buhay ay ang mga pinananatiling pribado.
Pinaghahandaan ni Bea ang engrandeng pagbabalik telebisyon para sa kanyang ika-25 anibersaryo.
Pinandigan ng aktres na ang kanyang relasyon sa negosyanteng si Vincent ay bilang isang pribadong indibidwal at nais niyang igalang iyun.
Isang taon ding nakapagpahinga ang aktres at itinuon niya ang isang taong pahinga sa kanyang pamilya at mga negosyo.
Aniya, ang kanyang oras na malayo sa limelight ay nagbigay ng isang pambihirang pagkakataon upang mamuhay nang walang presyur ng publiko.
“Nag-focus ako sa personal kong buhay at sa negosyo ko,” pagbabahagi ng aktres.
Bagama’t naging paksa ang matinding espekulasyon na sila ay magpapakasal na ng businessman partner dahil sa paglitaw ng mga ban sa kasal sa St. Peter the Apostle Parish sa Maynila, patuloy na tumagging magbigay ang Kapuso aktres ng mga tiyak na detalye tungkol sa petsa ng kanilang kasal.
Bagkus ay ikinuwento niya ang mga natutunan ng paghahanap niya ng kaligayahan sa mga simpleng kagalakan.
“There are many things na may mga simple joys na na-miss ko kasi when you’re in the public eye, parang you tend to see like ‘yung mga big things lang, big gestures,” aniya.
“Nakalimutan ko i-enjoy ‘yung simple joys,” dugtong pa niya.
She credited her partner for helping her recalibrate her perspective, moving away from the “noise” of headlines and toward a more grounded, authentic lifestyle.
“As much as I would like to share with you pero siyempre kasi I’m also protecting someone who is not from showbiz, he has a private life, he’s a private individual,” aniya pa.
***
Pinalagan ni Kylie Padilla ang naging pahayag ni Jeric Raval na dapat na raw siyang mag-file ng annulment para mapakasalan na ni Aljur Abrenica ang kanyang anak na si AJ Raval.
Ayon kay Kylie, wala pa raw siyang plano na mag-file ng annulment sa ngayon.
Nilinaw niya na gagawin lamang niya ito kung mismong si Aljur ang hihiling o magrerequest.
Diretsahan niyang sinabi kay Jeric ang kanyang saloobin: “Sa kanya, ako pa ba ang mag-aadjust?” na nagpapakita ng kanyang paninindigan sa sitwasyon.
Wika pa ng Kapuso aktres, wala naman na raw siyang masamang nararamdaman sa relasyon nina Aljur at AJ at masaya siya kung saan man masaya ang mga ito. Gayunpaman, mas inuuna pa rin niya ang kapakanan at emosyon ng kanilang mga anak.
Inamin din ni Kylie na hangga’t maaari ay ayaw niyang lumaki pa ang isyu dahil alam niyang maaaring makita o mabasa ito ng mga anak balang araw.
Sa kabila ng mga intriga, pinipili pa rin ni Kylie na maging maingat sa kanyang mga pahayag at manatiling kalmado alang-alang sa kanyang pamilya.
Dahil sa pinangungunahan ng batikang aktor ang desisyon ni Kylie, ang netizens ay umalma para sa anak ni Senator Robin Padilla.
Anila: “Ako… Adultery Ang ikakasu ko…. Hahahahha. Daming evidence sa mismong mga socmed nila may mga anak pa.. nagsasama pa”
“Kung Ako bahala kayo magantay sa Wala”
“hahaha wag po magmadali eh baka iba ang madaliin ng legal wife” kumbaga “kabet ka lang legal wife ako”
“Atat naman to c father char hahaha I love you kylie”
“Hindi pa pala annul ung kasal nila ni aljur so means all the time Kabit Si AJ”
“Mali yong pahayag ni jerik rabal nakikialam .. pakialamero din … bakit hindi c aljur pag sabihan nya na mag file …tama”
Dahil sa ginawa ni Jeric muling kinondena ng netizens ang anak niyang si AJ.
Imbes na naging maganda na ang relasyon ng magkabilang panig ay muli pa yatang magkakaroon ng lamat… Just saying