Advertisers

Advertisers

Angelica, pabor kay Vice sa pagtuligsa sa mga korap

0 24

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Isa ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na very vocal sa pagtuligsa sa korupsyon na nangyayari sa bansa.

Katunayan, marami ang bumilib sa tapang niya nang hamunin niya ang administrasyon sa isang rally na ipakulong ang mga magnanakaw kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

May panawagan din si Meme noon na ibalik ang death penalty para sa mga korap na opisyal ng gobyerno.

Maging sa kanyang noontime show ay ginagamit din ng unkabogable TV host at aktor ang kanyang boses para batikusin ang nakikita niyang katiwalian sa pamahalaan.

Sa Q and A portion ng seryeng “The Silent Noise”, natanong naman ang lead actress na si Angelica Panganiban tungkol sa stand nito hinggil sa paninindigan ni Meme sa pagtindig sa kanyang mga ipinaglalaban sa ngalan ng katotohanan.

Sa kanyang pahayag, kinatigan naman ni Angge si Vice.

Aniya, para raw magkaroon ng pagbabago ay patuloy na dapat na maging mapagmatyag ang mga mamamayan lalo na mga taong iniluklok nila sa puwesto.

“Kailangan ma-build sa atin yung tapang. And kapag tama ka, wala kang dapat ikatakot. Kailangan mong mag-speak up. Hindi lang para sa sarili mo, kasi hindi lang naman ikaw yung makikinabang. All the more ikaw pa nga yung mapasama,” aniya. “Pero kailangan mong mag-speak up. Palagi. Kung gusto mo nang pagbabago, kailangan mong magsalita. Lahat ng tinatago, lahat ng iniipon, bumabaho. So tama, magiging parte ka ng mali kung hindi nakisali doon sa tama,” dugtong niya.

Pagkatapos ng matagumpay na MMFF movie na “Unmarry”, muling nagbabalik si Angelica Panganiban kasama si Zanjoe Marudo sa seryeng “The Silent Noise” na mapapanood na sa Prime Video simula sa Marso 20.

Kasama rin sa powerhouse cast ng serye sina Mylene Dizon,Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, at Joem Bascon. Ipinakilala naman ang child wonder na si KD Omalin.
Ito ay sa direksyon ng magaling at de-kalibreng direktor na si Onat Diaz.