Advertisers

Advertisers

Pekeng yosi at pampalasa sa pagkain buking sa poultry farm

0 65

Advertisers

TINAYAANG aabot sa P1,903,508.00 halaga ng pekeng sigarilyo at iba’t-ibang produkto ang nadiskubre sa isang abandonadong poultry farm ng itik sa Sitio Salugan, Purok Santan, Brgy. San Jose, Plaridel, Bulacan.
Sa report ni Lt.Col. Restituto Granil kay PNP Provincial Dir.The Hunter Col. Angel Garcillano, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Chris Chua, 40, Chinese National, ng 743 Sabino Padilla St., Manila (tenant); alyas Anthony 47, driver, ng 4174 J. Gabriel St., Don Galo, Parañaque (driver); alyas Jean 26; alyas Glenn, 27; at alyas Marvin, 21, kapwa trabahdor.
Sa report, 10:00 ng gabi ng matunton ng mga awtoridad sa bodega ng feeds na ginawang imbakan ng mga pekeng produkto, tulad ng sapatos, seasonings products, imported perfumes, at yosi.
Nabatid na una nang nagreklamo ang may-ari nang bodega na si alyas Emer, kaugnay sa mga pekeng sigarilyo na nakatago sa bodega ang 13 kahon na naglalaman ng tig-50 rim ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P812,500.00
Habang 15 boxes assorted rubber shoes, 9 boxes knor broth cubes, 15 boxes sinigang mix, 80 boxes Aji No Moto, 100 boxes Maggie Magic Sarap, 40 boxes Buldak noodles; 10 boxes assorted perfumes, na nagkakahalaga ng P1,091,080.
Nahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 (Secs. 263 & 265) – possession and distribution of untaxed cigarettes, Intellectual Property Rights, Republic Act No. 7394 – distribution of non-compliant/fake consumer products (fake Marlboro cigarettes) at RA 10643 (Graphic Health Warnings Act) (Thony Arcenal)