Advertisers

Advertisers

DAWN BABALIK SA SHOWBIZ KUNG KONTRABIDA ANG ROLE

0 3

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ibinahagi ni Dawn Zulueta kung bakit siya nagretire na sa showbiz.

Sa isang panayam ay nilinaw niyang hindi pa siya nagreretiro, bagkus ay nag-aabang lang siya sa showbiz ng magandang proyekto.

Kaya habang walang ginagawa fokus muna siya sa kanyang pamilya.

Sa isang panayam sa PeopleAsia, ibinahagi niya na ang kaniyang desisyon ay napagod na rin daw siya dulot ng mahigpit na oras ng trabaho sa industriya.

Napagod siya sa mahaba at gabing pagtatrabaho, kaya naman nag-udyok siyang huminto muna at magpahinga.

Bukod sa pagod, inilipat din niya ang kanyang prayoridad sa kanyang mga anak.

“Nandito pa rin sa Pilipinas ang anak ko, si Jacobo, naghahanda kami para sa kanya, sa kanyang senior year, pumipili ng kolehiyo na papasukan niya. Kaya gusto ko lang mag-focus sa anak ko at kay Ayisha na nasa middle school pa lang. At doon ko napagdesisyunan na dapat na akong gumugol ng mas maraming oras hangga’t maaari kasama ang mga bata dahil napagtanto kong maliit lang ang panahon na mayroon ako sa kanilang buhay kung saan maaari talaga akong maging presente para sa kanila,” paliwanag niya.

Nilinaw din niya na wala pa siya sa puntong iniisip magretiro.

Sa takdang panahon, babalik siya dala ang tamang proyekto kung saan pinanabikan niyang maging isang kontrabida ang papel na gagampanan.

Ayon sa kanya, maaaring bumalik siya sa pag-arte kung ialok sa kanya na gawin ang ganitong uri ng papel.

Magbigay din si Dawn ng payo para sa bagong henerasyon ng mga artista.

Binigyang-diin niya ang katotohanan kung gaano kahirap ang industriya ng libangan, lalo na para sa mga batang aktor na sabik na sumubok sa pinakamaraming oportunidad hangga’t maaari.