Advertisers
Ni Anne Venancio
Kinumpirma nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na ang pelikulang ‘Tayo Sa Wakas’ ang magsisilbing huling proyekto nila bilang love team sa kanilang guest appearance sa podcast na “Paano Ba ’To?” ni Bianca Gonzalez.
Para kay Donny, pinag-isipan nilang mabuti ang desisyon para sa kanilang growth bilang mga artista.
“Me and Belle decided that for this specific movie, it will be our last DonBelle project for now,” giit ng aktor.
“We’re focusing all our energy to make sure this movie is worth it,” paniniguro nito.
Aminado naman ang aktres na nalulungkot sila sa kanilang desisyon pero nananatili silang nakatuon sa trabaho.
“We’re really so dedicated in doing this project really, really well. We’re just so excited for what’s ahead for the both of us,” aniya.
Nais ni Belle na maging makabuluhan ang kanilang huling proyekto bilang magka-love team.
“Now that we said this is our last for now, we really want to make it worth it for everyone. Right now, we are just really giving our best, everything,” dagdag niya.
Inaasahang ipapakita sa “Tayo Sa Wakas” ang mas mature na pagganap ng DonBelle bago sila tumutok sa kani-kanilang solo projects.